Home / Trending Topics / Ang istorya sa likod ng’Ipapasa ko to sa Facebook’ nila Bunak at Bilog

Ang istorya sa likod ng’Ipapasa ko to sa Facebook’ nila Bunak at Bilog

Ang istorya sa likod ng’Ipapasa ko to sa Facebook’ nila Bunak at Bilog. Dahil sa video ng magkapatid na si Bilog at Bunak na nagviral sa social media, hinanap sila ng Kapuso Mo Jessica Soho. Si Danica o ‘Bilog‘ sampung taong gulang. At Daniel o ‘Bunak’ pitong taong gulang naman.

Mayroon pa silang tatlong kapatid, katunayan ang cellphone na ginamit daw nila sa kanilang video na ginaya ng karamihan isa na rito si Maine Mendoza o Yayadub ay ang naiwang cellphone nang kanilang Ate.

Kasalukuyang naghuhugas ng plato si Bilog nang makita niya ang cellphone ng kanyang Ate at naisipang mag-video ng sarili ngunit lumapit si Bunak at inasar si Bilog. Kaya makikita sa video na sinapak ni Bilog si Bunak.

Gusto lamang ni Bunak na kasama siya sa gagawing video ni Bilog.

Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Bunak at Bilog Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Bilog Bunak KMJS Kapuso Mo Jessica Soho

 

Sabi nang kanilang ina na si Analiza, mahilig daw talagang kumanta si Bilog. Habang si Bunak naman ay may pagkapilyo talaga.

Sa katunayan, dalawang beses raw itong umulit sa Grade 1 dahil sa hindi pagpasok sa eskwelahan.

Si Bilog, sabi nang kanilang ina ay may pagkamaldita ngunit naasahan ng kanilang ina sa kanyang mga kapatid.

Ngunit katulad ng ibang magkakapatid, palaging nagkakaasaran si Bilog at Bunak.

At madalas nilang pag-awayan ay ang mga gawaing bahay.

Hindi mautusan ni Bilog si Bunak sa gawaing bahay katulad ng pag-iigib.

Pero bakit ganun na lang kapursige si Bilog na ‘MAIPASA SA FACEBOOK ang kanyang video???

Nito lang Oktubre 2016, bigla na lang daw hindi nagpakita ang tatay ni Bilog at Bunak

Hanggang sa nabalitaan nila na sumama na ito sa iba.

Namimiss umano ni Bilog ang kanyang tatay. Kayang suportahan ng kanilang ina ang pinansyal nila pangangailangan ngunit iba pa rin da ang aruga ng isang ama na hinahanap ni Bilog.

Lima silang magkakapatid at umaga hanggang gabi naglalako ang kanilang ina may mapantustos lang sa kanyang mga anak.

 

Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Bunak at Bilog Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Bunak bilog papasa ko to facebook viral

Ang kanta na dapat sana ay i-uupload niya sa Facebook ay para pala sa kanyang tatay.

Ilang linggo na raw niya itong prinapraktis at umaasang kung mapapanuod ito ng kanyang ama uuwi ito sa kanila.

Aminado ang kanilang ina na nahihirapan siyang bantayan ang kanyang mga anak 24 oras at nahihirapan siyang awatin ang mga ito pag nag-aaway sila.

Kinunsulta sa isang psychiatrist ang magkapatid at sinabi ang dahilan kung bakit sila nag-aaway, kalaunan nagyakapan sila at nagkabati na.

“Communication is the best instrument”, sabi ni Dra. Camille Garcia, child psychiatrist.

“… kailangang hindi aabot sa puntong magkakasakitan…”

Dahil sa Kapuso mo Jessica Soho, matutupad ng mabuo ni Bilog ang kanta na inialay niya sa kanyang ama ng buo.

At dahil bati na raw sila, Si bunak nakipag duet na sa kanya! 🙂

Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Bunak at Bilog Ang istorya sa likod ng'Ipapasa ko to sa Facebook' nila Bunak at Bilog Screenshot 89

Watch: Ipapasa ko to’ sa Facebook video!

Source: KMJS, GMA

 

 

 

Facebook Comments

Sharing is caring!

Loading...

Check Also

Andrea Brillantes gets upset to his sister and says this word!

Andrea Brillantes gets upset to his sister and says this word! Youth recollections won’t be …

Kim Domingo posted Topless selfie makes netizens go crazy!

Kim Domingo posted Topless selfie makes netizens go crazy! Ascended from her Dubsmash recordings, Kim …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *